CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinabahala ngayon ni City Mayor Oscar Moreno na nangunguna na ang rehiyon sa buong Mindanao Region na mayroong pinakatamaas na aktibong mga kaso ng COVID-19 pandemic.
Ito ay matapos nagtala ng 100 panibagong kaso nitong araw ang Northern Mindanao na nagresulta ng kabuuang 3,827 kung saan naungusan na ang Davao Region na mayroong 3, 771 na infected cases ng bayrus.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Moreno na labis nang nakababahala ang paglobo ng kaso ng bayrus sa rehiyon partikular sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Inihayag ng opisyal na bagamat mataas ang kaso ng rehiyon kumpara sa Davao Region na hawak ang bilang ng mga nasawi na 129 subalit mababa pa naman ang death toll na hindi pa lumagpas ng 100.
Subalit umapela si Moreno sa publiko na magpatupad ng istriktong pagtalima ng non-pharmaceutical health standards at minimum public health protocols upang makatulong sa gobyerno na nagkukumahog masyado pag-responde sa epekto ng pandemya sa bansa.
Sa ngayon,ang Cagayan de Oro City ang nagtala ng mataas na infected virus cases sa buong Northern Mindanao na nasa 1,139 kung saan 51 sa mga ito ang binawian na ng buhay.
Subalit mas mataas naman ang Davao City na mayroong kaso na 2,462 total cases ay mayroong 106 death toll.
Magugunitang nitong linggo lamang na tila lumambot ang paninindigan ng alkalde na bukas na itong isailalim sa lockdown kapag lolobo pa ng husto ang local transmission cases ng bayrus nitong lungsod.