CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagulantang ng mga residente sa Northern Mindanao partikular sa Misamis Oriental at mismong Cagayan de Oro City ang biglaan na pagbago ng health restrictions na ipinapatupad upang patuloy na labanan ang paglaganap ng COVID-19.
Ito ay matapos inihabol ng Inter-Agency Task Force na malagay sa Enhanced Community Quarantine restriction ang buong lungsod dahil napasukan na pala ng COVID-19 delta variant simula pa noong buwan ng Hunyo 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Mayor Oscar Moreno na bagamat nakakabigla subalit pinakalma naman nito ang mga residente at iwasan na mag-panic upang hindi lumala ang sitwasyon habang nilalabanan ang virus mutation.
Sinabi ng alkalde na sana ay na-contain na nila ang bayrus sa mga unang ipinatupad na health care efforts lalo pa’t pangatlong beses nang naisalalim sa modified ECQ ang lungsod simula buwan ng Hunyo.
Samantala,naninawala naman si Northern Mindanao Medical Center Research Dept head Dr Gina Itchon na nakapasok ang Delta variant sa rehiyon dahil sa travellers entry mula sa ibang lugar.
Posible rin umano na mismong nag-mutate na ang COVID-19 kaya lumutang ang Delta V na inisyal na tumama limang residente sa lungsod at maging sa Gingoog City,Misamis Oriental dahilan na kasama na naka-ECQ.
Sa ngayon,tinungo ng Dept of Health 10 officials upang pulungin rin ang local govt officials kaugnay kung paano labanan ang Delta V.