CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi na ng tulong ang pamunuan ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa mga pribadong ospital na magsilbing alternatibo na mapagdalhan ng ibang mga kliyente o pasyente na mangangailangan ng serbisyong medical mula sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon partikular sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.
Ito ay matapos tuluyang inilagay na sa ‘code red’ status ang NMMC dahil sa kinulang na sa mga paglalagyan epekto sa walang tigil na paglobo ng mga taong nahawaan ng bayrus.
Mismo si NMMC’s Research and Development chief Dra Gina Itchon ang nagkompirma na mula yellow at inilagay na nila sa pinakataas na alerto ang kanilang pagamutan para magdagdag ng hospital beds na magagamit ng mga pumasok pa ng mga pasyente.
Samantala,itinuring naman ni City Mayor Oscar Moreno na ‘game changer’ ang desisyon na ipinatupad ng regional hospital na nakabase sa syudad.
Inihayag ng alkalde na nangangahulugan ito na maraming buhay pa ang maisalba dahil prayoridad ng NMMC ang mga residente na nahawaan ng bayrus.
Magugunitang simula nang makapasok ang bayrus sa Hilagang Mindanao taong 2019,halos 18,000 na ang naitalang positibong kaso kung saan sobra 6,000 naman ang nagmula lamang sa Cagayan de Oro City.