CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na rin sa pitong katao ang umano’y nasawi na mayroong kaugnayan sa epekto na iniwan ng super typhoon Odette na nagbigay ng malaking perwisyo sa Northern Mindanao noong nakaraang linggo.
Ito’y maliban sa halos 24,000 pamilya na nailikas mula sa kanilang mga tahanan na binaha at papunta sa mas ligtas na lugar sa dalawang highly urbanized cities at limang probinsya ng rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Office of the Civil Defense 10 spokesperson Regine Misulamin na kabilang sa mga lugar na mayroong fatalities ay mula sa mismong Cagayan de Oro City,Misamis Occidental,Bukidnon at Misamis Oriental.
Sinabi ni Misulamin na bagamat inaantay nila ang opisyal na documentation report ng mga nabanggit na lugar ukol sa casualties dahil tanging mula Tudela,Misamis Occidental at San Fernando,Bukidnon pa lang ang nakarating sa kanilang tanggapan.
Bagamat walang napaulat na mga residente na missing subalit nasa tatlo rin ang mga sugatan bunsod ng bagyo.
Inaantay rin ng ahensiya ang usaping danyos sa larangan ng imprastraktura,ari-arian at agrikultura mula sa tukoy na mga lugar na tinamaan ng baha.
Magugunitang tanging isang tulay at dike pa lamang ang naiulat na nasira ng baha kung saan nagkahalaga ng P80 milyon.s