CAGAYAN DE ORO CITY-Tiniyak ng grupo ng hog raisers sa Northern Mindanao na magpapatuloy parin ang kanilang pagsusuplay ng baboy sa Luzon kahit naitala na dito sa rehiyon ang unang kaso ng African Swine Fever (ASF).
Mismo si DA-10 Director Carllene Collado ang nagkumpirmang naitala ang unang kaso ng ASF sa Brgy Pugaan, Iligan City.
Sinabi ni NORMINHOG Pres Leon Tan Jr. na isolated case lamang ang nangyari sa Iligan kayat hindi apektado ang kanilang kabuohang produksyon.
Ayon kay Tan, nasa isang libo hanggang 1,500 na mga baboy ang kanilang ipinapadala sa Luzon bawat linggo.