Successful blood donor displays his PRC cards during Dugong Bombo 2019

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinawakan na naman ng successful blood donors na nagmula sa Northern Mindanao ang pagsilbing top donors sa katatapos pa lamang na Dugong Bombo 2019 na sabay-sabay na inilunsad ng mga himpilan ng Bombo Radyo at Star FM stations sa 24 key cities sa buong bansa nitong araw.

Ito ay matapos nagtala ng 1,146 blood donors na nagbigay ng 515,700 CC ng dugo na nalikom ang paglunsad ng Dugong Bombo sa Atrium,Limketkai Mall,Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo ni Philippine Red Cross Misamis Oriental-Cagayan de Oro Chapter blood manager Dra Christina Pelaez na labis ang kanilang paghanga sa lahat ng mga nakunan na volunteer donors na tumugon sa hamon na magdonate ng dugo.

Inihayag ni Pelaez na malaking na na ang nakuha nila na mga dugo upang masagot ang pangangilangan ng mga pasyente sa magkaibang pagamutan sa rehiyon.

Nagbigay pugay ang PRC sa lahat ng mga nagsuporta na nagmula sa state forces,academe,private sectors,government employees,mga mag-aaral at ibang grupo na pumunta sa aktibidad.

Sa loob ng 13 taon na pagkalunsad ng Dugong Bombo,maraming beses na namamayagpag ang successful blood donors na nagmula sa Northern Mindanao kung saan naka-operate ang Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Si Philippine Red Cross Misamis Oriental-Cagayan de Oro Chapter blood manager Dra Christina Pelaez

Sa Dugong Bombo nitong taon,maging ang taga-Bukidnon,Iligan City,Gingoog City at Balingasag,Misamis Oriental ay hindi rin nagpahuli sa blood donors ng Cagayan de Oro para sa nasabing blood letting project ng Bombo Radyo Philippines.