CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang mataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar sa Sitio Lamparuc, Barangay Sampagar, Damulog Bukidnon.

Nagsagawa umano ng security operation ang mga miyembro ng 3rd at 19th Infantry Battalion sa naturang lugar matapos makatanggap ng impormasyon na may mga armadong namataan at biglang sumiklab ang bakbakan.

Matapos ang sampung minutong palitan ng putok, nakita ang isang taong nakabulagta at wala ng buhay na kinilalang si Eduardo Arnado alyas Choi na umano’y deputy secretary ng Guerilla front 53.

Narekober din sa crime scene ang isang kalibre 45 na baril, bala, submersibong dokumento at mga personal na gamit ng mga nakatakas na rebelde.