CAGAYAN DE ORO CITY – Kawalan at tila malaking pagkapilay sa kilusang ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA) ang kompirmadong pagkasawi ng top commander nila habang napasabak sa engkuwentro sa tropa ng 44th Infantry Batallion sa Purok 2,Barangay ZNAC,Tampilisan,Zamboanga del Norte.

Photos from AFP WestMinCom

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Lt Col Alaric de los Santos ang ang pagkasawi ni Western Mindanao Regional Party Committee 1st Deputy Secretary Leonardo Nabong alyas Otik na taga-Tagoloan,Misamis Oriental ay hudyat umano na mawawalan ng pokus ang nasasakupan nito sa lugar.

Inihayag ni De los Santos na natunton nila ang lokasyon ni Nabong dahil nagsumbong ang ilang mga sibilyan kaya nangyari ang 45 minuto na bakbakan.

Natuklasan na si Nabong ay miyembro rin ng Komisyon Mindanao (KOMID) executive committee na mayroong warrant of arrests ng mga kasong multiple murder with quadruple frustrated murder,damage to government property at rebellion na inilabas ng Regional Trial Court Branch 36 ng Calamba, Misamis Occidental at may reward na P6.1 milyon.

Si AFP Western Mindanao Command spokesperson Lt Col Alaric de los Santos

Narekober sa encounter site ang M14 rifle,apat M16A1 Elisco, M203 Grenade Launcher,10 long at four short magazines ng M16 rifle at anim na rounds live ammunition of 40mm.