CAGAYAN DE ORO CITY – Nasawi ang isang aktibong miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang dalawang sundalo naman ang sugatan sa engkuwentro na nangyari sa Sitio Bendum,Barangay Busdi,Malaybalay City,Bukidnon.
Ito ang matapos natunton ng 8th Infantry Batallion,Philippine Army ang lokasyon na ipinagbigay alam ng mga sibilyan na namataan ang nasa 15 na miyembro ng NPA dahilan na sumiklab ang engkuwentro.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 403rd IB,Philippine Army commander Lt Col Ferdinand Barandon ng 4th ID,Philippine Army na nagsagawa ng combat operation ang tropa nila nang nagsunmbon ang ilang mga sibilyan ukol sa namataan na presensiya ng mga rebelde.
Inihayag ng opisyal na nakasagupa ng kanilang tropa ang mga miyembro ng Sentro De Grbaidad Dario ng Guerilla Front 89 ng North Central Mindanao Regional Command ng ilang minuto na nag-resulta nang pagkasawi ng rebelde.
Hinabol nila ang tumakas mga tumakas na mga rebelde kaya muling nagka-engkuwentro at nasugatan ang dalawang sundalo na agad dinala sa pagamutan.
Narekober mula sa dalawang encounter sites ang M-16 rifle ng napatay na rebelde,personal na kagamitan at mga dokumento ng kilusan.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire sa pagitan sa grupo ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison subalit tinanggihan dahil hindi umano ito tapat sa kanyang sinabi.