CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng militar ang isa sa mga kasapi ng umano’y Communist Terrorist Group habang naganap ang halos kalahating oras na engkuwentro sa bisinidad ng Talupa,Sitio Dumagook,Barangay Lawaan,Gingoog City,Misamis Oriental.

Sa ipinaabot na mensahe ni 4th ID spokesperson Maj Francisco Garello Jr sa Bombo Radyo na nagsagawa habang ginapang ng 58th IB at 42nd Division Reconnaissance Company ang dating hideout ng Sub Regional Sentro De Gravidad MTJ Eagles ng North Central Mindanao Regional Committee ay nakasugpa nito ang ilan sa mga miyembro kaya nagkapalitan ng mga putok.

Inihayag ni Garello na dahil sa maayos na pagka-posisyon ang tropa ng gobyerno ay napaatras ang mga rebelde dahilan na naiwan ang dalawang M-16 at M-14 rifles mula sa pinangyarihan ng engkuwentro.

Dagdag nito na habang nagsagawa na ng clearing operation ang tropa ay tumambad na sa kanila ang bangkay na iniwan ng mga kasamahan nito habang naganap ang engkuwentro.

Kung maalala,dati nang mayroong top official ng NPA mula sa bayan ng Claveria,Misamis Oriental ang nagbalik-loob kung saan isinuko rin nito ang halos 10 high powered firearms na itinuring ng gobyerno na malaking dahilan na paghina ng armadong grupo sa hurisdiksyon ng 4th ID sa Northern Mindanao.