CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng militar ang miyembro ng Sub Regional Committee 1 ng North Central Regional Mindanao Committee ng CPP-NPA habang isa pa ang ginamot sa loob ng station hospital ng Camp Edilberto Evangelista kung saan nakabase ang 4th ID,Philippine Army Headquarters ng Cagayan de Oro City.

An alleged NPA member under medication after the AFP pursuit in Malitbog,Bukidnon (Photo by:4th ID,PA)

Ito ay matapos nagkapalitan ng putok nang naabutan ng 58th IB,Philippine Army ang nasa 20 mga rebelde kaya tumagal ng 15 minuto ang bakbakan ng dalawang panig sa Sitio Silo-o,Malitbog,Bukidnon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Jhun Cordero na kinilala ang nasawing rebelde na si Leonido Pacheco alyas Macdong habang sugatan naman si Arman Bilayon alyas Neri.

Inihayag ni Cordero na agad nasawi sa unang bugso ng engkuwentro si Pacheco habang naaresto si Bilayong dahil naiwan ng kanyang kasamahan sapagkat nagtamo ng sugat sa balikat.

Binigyang medikasyon naman ng mga sundalo si Bilayong kasama ang isa pang sundalo na nasugatan rin sa engkuwentro na parehong ipinasok sa military station hospital ng lungsod.

Si 4th ID spokesperson Maj Jhun Cordero

Narekober mula sa mga rebelde ang dalawang M-16 rifles,bala ng KG-9 rifle,medisina at subersibong mga dokumento.