CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng militar ang isang miyembro umano ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang isang sundalo rin ang sugatan sa apat na beses na engkuwentro sa dalawang magkatabing bayan ng Bukidnon.

Photos from 88th IB,PA

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 403rd IB,Philippine Army commander Lt Col Ferdinand Barandon na nangyari ang unang engkuwentro ng 88th IB laban sa mga rebelde sa Mt Miyangki,Barangay Nagkabuklad,San Fernando,Bukidnon.

Inihayag ni Barandon napaatrasa ang nasa 20 miyembro ng mga rebelde subalit naiwan naman ang isang bangkay na kinilalang si Loloy Gayuran Dal-anay alias Ladong na umano’y opisyal ng CPP-NPA.

Nasundan pa ang engkuwentro sa bayan ng Quezon kung saan nasa 30 NPA rebels ang hinarap ng militar na nagresulta na nang pagkasugat ng isang sundalo na kasalukuyang naka-confine sa Camp Evangelista Station Hospital ng Cagayan de Oro City.

Si 403rd IB,Philippine Army commander Lt Col Ferdinand Barandon

Dagdag ng opisyal na nakompiska naman ng gobyerno mula sa apat na beses na engkuwentro ang tatlong mataas na uri ng mga baril,anti-personnel mine,mga bala,kagamitan paggawa ng bomba at mga personal belongins ng mga tumakas na mga rebelde sa lugar.