CAGAYAN DE ORO CITY – Naagaw ng 8th IB, Philippine Army ang kagamitang pandigma ng Front Committee 89 ng North Central Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA nang magka engkuwentro sa Barangay Mandongay, Malaybalay, Bukidnon.
Ito ay matapos nagambala ng militar ang panghihingi umano ng pagkain at pera ng mga rebelde sa mga sibilyan sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni 403rd IB, Philippine Army commander Brig/Gen Ferdinand Barandon na nasa 20 hanggang 30 ang nakasalubong ng tropa kaya tumagal ng ilang minuto ang bakbakan.
Inihayag ni Barandon na nasa magandang posisyon kaya napilitang umatras ang mga rebelde papalayo sa lugar.
Sinabi ng opisyal na narekober sa clash site ang M-16 rifle, dalawang rifle grenades, improvised explosive devices, mga gamot at mga pagkain Dagdag ng opisyales na maaring may mga nasugatan o nasawi dahil marami umanong dugo aa pinangyarihan ng engkuwenteo.
Iginiit rin ng militar na walang anumang casualties sa kanilang hanay nang sumiklab ang engkuwentro laban sa nangngangalang Kumander Siyam na kabilang sa tinutugis ng law enforcement agencies simula pa noong nakaraang linggo.