CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa man tuluyang naibaba ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes ang hatol sa hinawakan nitong kasong multiple murder laban sa higit 100 akusado na bababaan ng hatol ay naghayag na nang paghanga ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) National Capital Region.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni NUJP NCR chairman Nonoy Espina na mahirap ang kinatayuan ni Reyes dahil sa sobrang laki ng kaso subalit nakayanan nito na matapos ang pagdinig sa lahat ng mga nasangkot sa kremin.
Inihayag ni Espina na naipakita naman ni Reyes ang pagiging patas nito sa kaso at mismo ang mga abogado sa magkabilang panig ang makapagpatunay rito.
Dagdag ng opisyal na sasaksihan rin nila ang gagawing promulgasyon ni Reyes sa kaso na itinuring ng grupo na malaking tagumpay na makamtan ang hustisya para sa mga pamilya ng 58 katao kung saan 32 rito ay mga sakop ng media sa Mindanao.
Kung maalala,maging ang NUJP ay tumulong rin mapaaral ang mga anak ng mga namatay na mga media sa pamamagitan nang paghahanap nila ng scholar sponsors simula nangyari ang masaker noong Nob 23,2009.