CAGAYAN DE ORO CITY – Inalmahan ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) ang panukala ng dating pinuno ng Philippine National Police at ngayon Senador Ronald ‘Bato’ de la Rosa na magsagawa ng student profiling ang universities at state colleges sa buong bansa.
Kaugnay ito sa kuro-kuro ni De la Rosa na potential targets ng mga taga-suporta ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA) na pasok sa tinawag na white area ang mga matatalinong estudyante upang himukin pumasok sa armadong pakikibaka laban sa gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni NUPL President Atty. Ephraim Cortez na hayagang paglabag ito ng maraming karapatan ng mga estudyante ang nais mangyari ng gobyerno.
Sinabi ni Cortez na hindi dapat kontento na lang ang pamahalaan ng magtapos ang mga iskolar ng bayan na hindi mulat sa totoong kalagayan ng bansa kaya umusbong ang aktibismo upang matibay humarap ng mga hamon ang susunod na mga henerasyon.
Nabanggit kasi ito ni De la Rosa dahil naiulat ng PNP Directorate for Operations na ng kanyang pinamunuan na committtee on public order and dangerous drugs ng senado na umabot na sa halos 170 na estudyante ang tuluyang pumasok sa CPP-NPA simula 2014 hanggang sa kasalukuyang taon.