Ania ang pahayag ni Vice President Sara Duterte:

PAHAYAGMarch 26, 2026Mga kababayan, Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan. Magandang araw sa inyong lahat. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isang mabigat na dagok sa hangarin nating magkaroon ng mapayapa at masaganang buhay para sa bawat pamilyang Pilipino. Hindi normal ang ating pinagdaraanan; ito ay epekto ng mga krisis sa labas ng ating bansa, kabilang ang digmaan sa Gitnang Silangan, na direktang nakakaapekto sa presyo ng pagkain, langis, at iba pang pangunahing pangangailangan.Sa kabila nito, ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa na noon pa man ay nakatuon nang tumulong sa inyo na makatipid at makaraos sa araw-araw.Ang kampanya ng PagbaBAGo sa edukasyon ay nagbibigay ng tulong sa gamit pampaaralan ng ating mga mag-aaral.Ang bus ng OVP ay patuloy na nagbibigay ng libreng sakay para sa ating mga commuters sa Metro Manila, Cebu, Bacolod, Davao, at Tacloban. Ang Mag Negosyo ta ‘Day ay magpapatuloy upang mapunan ang kapital ng maliliit na negosyo. At ang RIICE boxes ay patuloy na ipinamamahagi sa mga nangangailangan, lalo na sa panahon na tulad ngayon.Kasabay nito, nagpapatupad din kami ng mga cost-cutting measures sa loob ng aming tanggapan upang matiyak na mas maraming pondo ang mapupunta sa direktang tulong sa taong-bayan.Hindi na itutuloy ng OVP ang Pasidungog at Kasarilayaan sa buwan ng Hunyo. Ang mga ito ay dalawang malalaking pagtitipon para sa LGBTQ community at para sa year four accomplishment report ng aking termino. Sa halip, ay nakalaan sanang pondo para sa mga nasabing aktibidad ay idadagdag na lamang sa budget ng RIICE project.Sa mga darating na buwan, inaasahan nating lalong magiging mahirap ang sitwasyon sa pagkain dahil sa banta ng El Niño mula sa Abril hanggang Hunyo, at posibilidad ng pagbaha mula Hulyo hanggang Setyembre dahil sa bagyo at pag-ulan.Sa ating pagtitipid, unahin natin ang sapat na pagkain para sa ating pamilya, pagpapagamot sa may sakit, at ang edukasyon ng ating mga anak.Ang pinakamabisang panlaban sa krisis ay kahandaan. Simulan na nating planuhin ang ating mga hakbang hanggang sa katapusan ng taong 2026, kasama na ang pagharap sa posibleng pagkawala ng trabaho, patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, at risk reduction measures laban sa epekto ng matinding init at mga pagbaha sa ating kabuhayan.Maliit man ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, makakaasa kayo na bawat isa sa amin ay patuloy na naglilingkod at naghahanap ng paraan upang makatulong sa taong-bayan.Tayo ay isang bayang may matibay at malakas na pananampalataya sa Diyos, kaya patuloy tayong manalangin ng taimtim at nawa’y bigyan ang ating bansa ng lakas, gabay, at pagkakataon tungo sa tunay na mapayapa at masaganang buhay.Shukran.SARA Z. DUTERTEVice President of the Philippines