CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatuyanan ng isang 106 anyos na pasyente na itinuring na ”oldest survivor” na kaya labanan ang bangis na dala ng COVID-19 na dadapo sa katawan ng tao kapag mabilis ang pagbigay aksyon nito.
Ito ang naging health medical explanation ni Cagayan de Oro City Health Office’s epidemiologist Dr Joselito Retuya sa pasyente na mayroong ibang karamdaman na iniinda sa katawan subalit naka-survive laban sa bayrus dahil agad nagpa-admit sa ospital nitong lungsod.
Inihayag ni Retuya na ang nabanggit na pasyente na taga-Barangay Lumbia ng lungsod ay kabilang sa nagka-local transmission ay nanatili sa pribadong ospital hanggang nailipat sa Northern Mindanao Medica Center nitong lungsod.
Dagdag ng opisyal na matapos bumalik ang lakas ng pasyente ay inilipat ito sa city managed na temporary treatment and monitoring facility at nanatili sa loob ng isang buwan.
Subalit kakaiba umano ang angking resistansiya ng pasyente kaya mabilis ang paggaling at tuluyang pinauwi balik sa kanyang pamilya nitong linggo lamang.
Ang hindi pinangalanan na pasyente ay itinuring na ‘most oldest survivor’ simula nang napasok ng bayrus ang syudad.