CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbalik-tanaw sa mga kinaharap na sakripisyo at disiplina ng sarili ang 2023 South East Asian Games boxing medalist na si Cagayan de Oro native Olympian boxer Carlo Paalam.
Ito ay matapos nagtagumpay si Paalam makakuha ng medalyang ginto para sa Team Pilipinas sa SEA Games na isinagawa sa Cambodia.
Sinabi ni Paalam sa Bombo Radyo na hindi matawaran ang mga sakripisyo na ginawa ng RP team boxing team bago pa man sila nakarating sa nakuhang tagumpay.
Magugunitang sa apat na magkasunod na laban ni Paalam ay wala itong talo para makuha ang gold medal sa 54 kilograms catch weight kung saan huli na tinalo nito ay si Indonesian boxing challenger Aldoms Suguro.
Hangad rin ng 24 anyos na boxing gold medalist na makapag-bakasyon matapos ang tagumpay ng SEA Games para personal masamahan ang panganganak ng kanyang misis na inaasahan magsisilang ng pinakauna nilang supling sa Hunyo nitong taon.