CAGAYAN DE ORO CITY -Nanatiling ilegal ang operasyon ng minahan sa Barangay Limonda, Opol dahil sa kakulangan ng mga dokumento at permiso.

Kinumpirma ni Rogelio Labor na ipinadala na sa DENR Manila ang mga papeles para sa pagsusuri.

Maibabalik lamang ang operasyon kapag aprubado ng DENR Secretary at Provincial Mining Regulatory Board bilang Minahan ng Bayan.

Ipinaalala ng opisyal na dapat sundin ang batas bago magsagawa ng pagmimina. Layunin nitong tiyakin ang tamang proseso sa gobyerno.