CAGAYAN DE ORO CITY – Sinigurado ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) na mas maagang ipapamahagi ang social pension sa mga senior citizen ng Cagayan de Oro bago ang Araw ng mga Patay (kalag-lakag).
Ayon kay OSCA President Victor Lagang, sisikapin ng DSWD na matanggap ng mga benepisyaryo ang ₱3,000 na ayuda sa katapusan ng Oktubre imbes na Disyembre.
Ang halaga ay katumbas ng ₱1,000 kada buwan para sa Oktubre, Nobyembre, at Disyembre. Ipinaliwanag ni Lagang na ang programa ay ipinatutupad ng DSWD alinsunod sa Republic Act 9994.











