CAGAYAN DE ORO CITY –Winasak ng tuluyan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kasama ang law enforcement agencies ang nasa tinatayang P1.2 bilyon na illegal cigarettes na una nang nakompiska nila sa mga nagdaan na joint operations sa Northern Mindanao.
Ito ay matapos nagsilbing mga peke ang sigarilyo na walang silyo o stamps mula sa BIR at nagkaroon ng fake stamps na tinangka ipinuslit ng ilang mga negosyante mismo sa Cagayan de Oro City at ibang karatig syudad ng rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni NBI 10 regional director Atty Patricio ‘Pipo’ Bernales na nararapat lamang na tuluyang sirain ang nabanggit na mga produkto upang hindi na magagamit pa para ipuslit mula sa mga merkado na hindi magbabayad ng husto ng buwis.
Inihayag ni Bernales na ang ginawa ng gobyerno na pagsira ng sari-saring mga sigarilyo na nagmula pa sa ibang bansa ay malaking hakbang para mabigyang proteksyon ang legitimate cigarette companies na sumusunod ng mga batas na inaatas sa BIR.
Dagdag ng opisyal na naglalaaan lamang ng ilang piraso ang BIR ng mga sigarilyo para magamit na mga ebendensiya sa nagpapatuloy na paglitis ng kaso sa korte.
Magugunitang kabilang sa hinabol ng gobyerno dahil sa paglabag ng Revenue Regulation No. 7-2014 at National Internal Revenue Code of 1997 ay KDI Cargo Logistics Inc., Ban-Ban, Timberwood Development Corp at ibang dalawa pang entities na patuloy na iniimbestigahan.
Napag-alaman na nasa 7, 219 master cases at 232 reams ng sigarilyo ang nakompiska ng BIR,NBI at PNP nang ikinasa ang malawakang operasyon noon sa Cagayan de Oro City,Iligan City at ibang bahagi ng rehiyon.