CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto nang pinag-isang operasyon ng Department of Social and Welfare and Development 10 at Cagayan de Oro City Police Office ang miyembro ng isang sindikato na nasa likod panghihingi ng bayad mula sa ilang pamilya para maka-avail ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at ibang serbisyo ng ahensiya.

Mismo si DSWD Secretary Erwin Tulfo ang nag-presenta via online sa suspek na si John Carl Mendoza alyas Jay Lagrimas ,30 anyos na taga-Cavite na sinadya pang lumuwas sa Cagayan de Oro City para palawakin ang kanilang ilegal na operasyon.

Sinabi ni Tulfo na modus operandi ng suspek na mangungulekta ng magkaibang halaga ng pera upang maging 4Ps beneficiary at maka-avail sa iba pang mga program ng DSWD.

Subalit ikinasa ang operasyon dahilan para ma-aresto ito sa tinuluyang bahay sa Villamor Compound,Brgy Balulang ng syudad.

Narekober sa posisyon ng suspek ang mga peke nga DSWD NCR ID, peke ng DSWD Red Vest at ibang mga pekeng dokumento.

Magugunitang unang ipinag-utos ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr kay Tulfo na alisin ang higit 1.3 milyong 4Ps beneficiaries na hindi na kuwalipikado upang tulungan ng gobyerno.