CAGAYAN DE ORO CITY – Nagtala na ng higit P1.4 bilyon na revenue losses ang sektor ng turismo ang rehiyon ng Northern Mindanao.
Ito ay bunsod ng malawakang krisis na dulot ng coronavirus disease pandemic kung saan tinamaan ng husto ang maraming mga negosyo sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni National Economic and Development Authority o NEDA-10 regional director Myla Cariño na ang nasabing pagkatala ng malaking pagka-lugi ay nangyari simula buwan ng Marso hanggang Mayo nitong taon.
Inihayag ni Cariño na nasa higit 15,000 tourism workers na rin ang nawalan ng trabaho.
Dagdag ng opisyal na nasa 36 na business establishments na rin ang tuluyang nagsara ng kanilang operasyon habang 205 ang nag-abiso na magbawas ng mga empleyado na karamihan ay nakabase sa Cagayan de Oro City.
Magugunitang simula nang mapasok ng COVID-19 ang rehiyon,kailanman ay hindi ito inilgay sa hard lockdown subalit sobrang laki na ang naitala na lugi sa aspeto ng ekonomiya.