CAGAYAN DE ORO CITY – Papalakasin ng gobyerno ang kaalaman ng mga naatasan na government information officers sa buong bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na layunin nito na isailalim ng basic trainings ang government informations mula sa barangay hanggang sa regional offices para tama na maipaabot ang mga programa ng gobyerno sa taong-bayan.
Sinabi ni Andanar na nag-iisang pasilidad lamang ito na inaaprobahan ni Duterte sa buong bansa para agsilbing supporting office ng Mindanao Media Hub na nakabase sa Davao City.
Inihayag ng kalihim na naka-pokus sa basic lectures ang makukuhan ng mga papasok sa pasilidad at ang real exposure ay sa Mindanao Media Hub.
Ginawa nito ang kumpirmasyon nang ipinatawag ang local media sa buong rehiyon upang ipaabot ang mga programa ng PCCO partikular sa tamang pagpaabot ng mga impormasyon sa Duterte administration.