CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto ang itinuring ng PDEA-10 na malaking suspected drug suppliers ng illegal na droga sa sa ilang bahagi ng Northern Mindanao partikular sa Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos inilunsad ng PDEA operatives ang magkahiwalay na anti-illegal drugs operations laban kina Ibrahim Pala-o na taga-Barangay Macabalan;Randy Aringo alyas Kid-Kid at Jefferson Vallejos na parehong nakatira sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA regional director Wilkins Villanueva na unang aaresto sina Aringo at Vallejos habang nakipag-transaction sa kanyang mga tauhan sa Barangay Iponan ng lungsod kagabi.
Inihayag ni Villanueva na nakompiska mula sa posisyon ng mga suspek ang nasa 70 gramo ng suspected shabu na mayroong street value na higit P400,000.
Dagdag ng opisyal na napaamin nila ang mga suspek kung sino ang source nito dahilan na natunton rin ang lokasyon ni Pala-o sa katulad na lugar.
Narekober sa posisyon ni Pala-o ang higit P700,000 na halaga ng shabu.
Maliban sa higit P1 milyon halaga ng shabu na nakompiska ng mga otoridad mula sa mga suspek,nakuha rin ang pera na ginamit bilang mga marked money sa operasyon.
Kakasuhan ang mga suspek nang paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya sa syudad nitong araw.