CAGAYAN DE ORO CITY – Nakompiska ng magkaibang units ng Police Regional Office 10 ang higit isang milyong piso na halaga ng pinaniwalaang shabu mula sa mga target suspected drug pushing personalities na nakabase sa urbanized cities at mga bayan na sakop ng Northern Mindanao region.

Photos from PNP-10 Information Office

Ito ay matapos ipinag-utos ni PRO-10 regional director Brig Gen Rolando Anduyan ang pagkasa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) laban sa lahat ng illegal activities na nasangkot ang halos 100 suspected criminal individuals.

Inihayag ni Anduyan na pagka-aresto ng mga ito ay epekto rin sa aktibong suporta ng local government units at ibang tanggapan ng gobyerno sa kanilang police lower units para mas mapadali ang implementasyon ng programa.

Sa nasabing operasyon ay naipatupad ng pulisya ang 34 na search at anti-illegal drug operations dahilan na naaresto ang suspected criminal personalities.

Nakompiska mula sa mga ito halos 160 gramo ng pinaghihinalaang shabu at mga dahon ng mga marijuana habang 49 assorted na mga bari;walong granada at mga bala.

Naaresto rin ang suspected wanted persons na mayroong pending criminal cases sa magkaibang korte sa rehiyon.

Kakaharapin ng mga naaresto ang paglabag sa mga batas ng illegal possession of firearms;illegal possession of explosives at ang Dangerous Drugs Act of 2002.