CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinaalarma ni Misamis Occidental Provincial Police Office Director Col. Danildo Tumanda ang mas nagka-seryoso na banta sa buhay na natatanggap ni House Deputy Speaker Rep. Henry Oaminal.
Ito ay matapos nakatanggap ng impormasyon si Tumanda na umaabot na sa P15 milyon ang ipinatong ng organized robbery group sa ulo ni Oaminal na kumakatawan sa pangalawang distrito ng Misamis Occidental upang tuluyang mapatumba.
Inihayag ni Tumanda na nag-ugat ang matinding galit ng organized robbery group kay Oaminal dahil sa all out support nito sa anti-illegal drugs war ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nakaranas ng seryosong problema ng illegal na droga ang Misamis Occidental.
Kaugnay nito,tiniyak ng opisyal na mabigyan ng sapat na seguridad ang abogadong mambabatas habang tinukoy ang lokasyon ng grupo na nais magsagawa ng kremin.
Magugunitang naging kalaban o kinontra ni Oaminal ang umano’y mga galaw noon ni late Ozamiz City Mayor Reynaldo ‘Aldong’ Parojinog, Sr. na inaakusahan ni Duterte na suspected druglord sa Misamis Occidental na kalaunan ay napapatay ng kontrobersyal na si dating Ozamiz City Police Station commander Lt/Col. Jovie Espenido taong 2017.