CAGAYAN DE ORO CITY – Kakasuhan ng pulisya ng inciting sedition in relation to cybercrime law ang 40 anyos na binata na nagbanta na ipapatay ang Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ng P150 milyon na pabuya.

Kinilala ang suspek na si Joemarch Ebcay na residente sa Purok Matinud-anon,Barangay Maningcol,Ozamiz City,Misamis Occidental.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Ozamiz City Police Office commander Lt Col Sherwin Lapiz na inamin ni Ebcay na siya ang nag-komento na handa umano itong magbigay ng P150 milyon para sa mga tao na makapatay kay Duterte.

Inihayag ni Lapiz na hindi nakontento ang suspek ay naghayag pa ito na mismo umano siya ang papatay kay Duterte kapag walang sinuman na intresado.

Inamin naman ng suspek na mismo siya ang nagsabi nito at inilagay sa isang Facebook page na nakabase sa Mindanao.

Si Ozamiz City Police Office commander Lt Col Sherwin Lapiz

Una rito,kusang sumuko si Ebcay dahil hindi na matiis nito ang takot sa mga natatanggap na banta ng kanyang buhay epekto ng social media post nito.