CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na nilubayan ng mga personahe ng Bureau of Customs ang mga ilegal na gawain ng mga kumikilos na grupo ng suspected agriculture smugglers na dumaan sa daungan ng Mindanao Container Terminal ng Phividec Compound,Tagoloan,Misamis Oriental.
Sinabi Customs Cagayan de Oro District Collector Atty Elvira Cruz na nasa pitong container vans na mayroong laman ng ‘mis-disclared’ na red at white onions ang naharang nang dumaong sa pantalan na layong ipalusot ng suspected consignees na Frankie Trading Enterprises at Primex Export and Import Producer dito sa bansa.
Inihayag ni Cruz matapos nagbigay alarma ang kanilang central office ukol sa nasabing shipment mula sa China ay agad ito naglabas ng Pre-Lodgement Control Orders upang ma-hold at ma-inspeksyon ang kargamento.
Tumambad ang nasa tinayang P21 milyong na halaga ng smuggled imported onions na nakalagay sa pitong container vans na unang ipinag-kunwari na ‘Yung Butter/Dairy Spreads at Spring Roll Patti.
Pinag-paliwanag na ngayon ang suspected consignee kung bakit hindi sila saasampahan ng hayagang paglabag ng Section 117 at Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Magugunitang noong araw na Martes,nakompiska rin ng Customs ang nasa 12 milyong piso na halaga ng katulad na smuggled-agri products mula China na pinalusot pa rin ng Primex Export and Import Producer na naka-kustodiya na sa kanilang yarda.