CAGAYAN DE ORO CITY – Kakasuhan ng pulisya ngayong araw ang suspected illegal drugs courier na unang naaresto matapos sa ikinasa nila na buy-bust operation sa Barangay Lumbia,Cagayan de Oro City.

Kinilala ni City Police Director Col Aaron Mandia ang suspek na si Jonel Curay,26 anyos,may live-in partner na residente sa Barangay 26,Gingoog City,Misamis Oriental.

Nakompiska mula sa kanya ang nasa higit 600 gramo ng suspected shabu na tinatayang mayroong street value na sobra apat na milyong piso.

Sinabi ni Mandia na tumagal rin ng higit tatlong buwan ang pag-surveillance ng kanilang tropa sa galaw ng suspek hanggang sa tuluyang napasok sa kanilang bitag sa pamamagitan ng mga personahe ng Lumbia Police Station.

Pag-amin rin ng suspek na totoo na nagmula sa kanya ang ilegal na droga subalit taga-kuha lang umano ito mula sa pinaka-source nito dito sa rehiyon.

Kumikilos ang suspek ang mga probinsya ng Misamis Oriental at Bukidnon habang pinakamalaking market distribution niya ang Cagayan de Oro City.