CAGAYAN DE ORO CITY – Nagtala umano ng nasa P400 milyon ang pinsala na dulot ng 6.6 magnitude na lindol na muling tumama sa bayan Tulunan,North Cotabato.

Ito ang inihayag sa Bombo Radyo ni Tulunan Mayor Reuel Limbungan nang magresulta ng dobleng danyos ang pagyanig ng lindol sa kanyang nasasakupang bayan kumpara sa unang paggalaw ng lupa noong Oktubre 16 nitong taon.

Sinabi ni Limbungan na dahil sa maraming government infrastractures ang pinadapa ng lindol ay tila matatagalan sila na makabangon kaya personal itong umapela ng tulong mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

Inihayag ng alkalde na sana maging ang mismong taga-Hilagang Mindanao partikular ang Cagayan de Oro City at Misamis Oriental ay huwang magdalawang isip tulungan sila upang mapadali ang kanilang pagbangon mula sa sunod-sunod na trahedya sa kanilang lugar.

Bagamat,isa lamang ang kumpirmadong ginang na buntis ang nasawi nang mabagsakan ng punong kahoy subalit nasa mahigit 30 naman ang naisugod sa pagamutan.

Wasak rin ang higit 700 na kabahayan habang nasa 300 ang nagkaroon ng partial damages kung saan ang mga may-ari nito ay naka-tent lamang sa mismong labas ng kanilang bakuran.

Si Tulunan Mayor Reuel Limbungan

Kung maalala,pinatikim rin sa epekto ng 6.6 magnitude na lindol ang Hilagang Mindanao partikular ang Cagayan de Oro City kung saan naitala ang pagkabitak ng govt buildings habang pansamantala nagsara ang ilang shopping malls sa syudad para ayusin ang structural damages nila.