CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Naglalayong makalikom ng limang daang milyong piso ang Mindanao Federation of Transport Cooperatives (MFTC) upang mapababa ng presyo ng langis naibebenta para sa kanilang mga miyembro.
Ayon kay MFTC Chairman Melvin Erederos, ito ay isang haknang upang mabawasan ang operational expenses ng mga public utility vehicle (PUV) operators sa rehiyon.
Nilinaw ni Erederos na kailangan nilang makalagak nga pondo bilang investment upang makakakuha ng kontrata mula sa mga supplier ng gasolina sa Subic, Zambales.
Matapos ang kanilang inisyal na pagpulong, pumayag ang mga supplier na ibenta ang mga langis sa halagang 40 pesos kada litro.
Ang MFTC ay kumakatawan sa 12 transport cooperatives sa buong Mindanao at naglalayon na magsilbing marketing arm at eksklusibong distributor ng suplay ng gasolina.
Upang maabot ang target na investment, sinabi ni Erederos na ang grupo ay nakikipag-ugnayan sa gobyerno at mga pribadong institusyong bangko upang makakuha ng mga pautang.
Si Erederos ay kasalukuyang nagsisilbing presidente ng Bukidnon Multi-Purpose Cooperative.