Kinuwestiyon ngayon ng isang abogado ang paulit-ulit at pampublikong pag-aanunsyo ng gobyerno ukol sa itinurong lokasyon at Limampung Milyong Piso (P50M) na bounty laban kay Senator Bato dela Rosa.

Nagpahayag si Atty. Raymond Batu ng DDS Sara All Confederation, na alinsunod din sa obserbasyon ni Senator Panfilo Lacson, ang isinagawang hakbang ay isang “disinformation campaign” upang pabilisin o matarantang lumabas ang senador sa kanyang kinaroroonan at ma-checkpoint ng mga awtoridad.

Nilinaw ng abogado na kung mayroong totoong at legal na arrest operation mula sa ICC warrant, ginawa sana ito sa tahimik na paraan at hindi sa pamamagitan ng paggawa ng serye ng mga intriga at kontrobersya sa publiko.