CAGAYAN DE ORO CITY – Nakompiska ng Bureau of Customs (BoC) ang nasa P50 million na halaga ng smuggled na mga sigarilyo na ipinuslit papasok sa Northern Mindanao mula sa China nang dumaong ang barko sa Mindanao Container Terminal ng Tagoloan,Misamis Oriental.
Inihayag ni Customs Cagayan de Oro collector John Simon nga unang ipinalusot ng LMRC 418 Direct Import Export Corporation ang kontrabando petsa 2 ng Pebrero 2021 kung saan ipinagkuwanri na furniture cargo ang kargamento subalit mga sigarilyo na mayroong brand na Marvels at Two Moon mula China.
Sinabi ni Simon mismo ang BoC’s Intelligence and Investigation Servies (CIIS) ang unang nakatanggap ng impormasyon na kahina-hinala ang impormasyon na ipinakita ng consignee ukol sa kargamento dahilan na isinailalim nang inspeksyon at tumambad ang dalawang container vans na puno ng mga sigarilyo.
Ito ang pinakaunang smuggled cigarettes confiscation ng Customs Cagayan de Oro sa unang quarter ng taong kasalukuyan.
Magugunitang sa nakaraang taong 2020,hindi na mabilang na mga pagka-intercept ng mga kontrabando ang naisagawa ng BoC sa daungan ng lalawigan mula sa ilang bansa dito sa Asya.