CAGAYAN DE ORO CITY – (update) Kalaboso ang dalawang High Valued Target o HVT matapos ang matagumpay na buy bust operation na inilunsad ng Regional Special Operation Unit (RSOU) ng Police Regional Office 10 sa bahagi ng Brgy Patag, lungsod ng Cagayan de Oro.

Kaninang umaga, i-prenisinta sa media ang mga nahuling HVT na umanoy nagbenta ng mga armas sa elemeto ng RSOU at kilalang kilabot na drug peddlers sa nasabing barangay.

Sinabi ni Police Lt. Col Mardi Hortillosa, taga pagsalita ng PRO-10 nakuha nila ang hindi bababa sa 75 gramo ng shabu sa posisyon ng mga suspek na sina Benjamin Bejec Daculos Jr, 40 years old, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy Bulua, at isang Mark Anthony Macabudbud Hipolito, 23, binata at residente ng Brgy. Bugo

Tinatayang aabot sa Kalahating milyong piso ang street value sa nakuhang shabu mula sa nahuling HV.

Kinumpiska rin ng pulisya ang ibenentang isang caliber 22 revolver na loaded ng lima bala.

Sa araw ng Lunes, isasampa ang patung-patong na kaso laban sa mga suspek.