CAGAYAN DE ORO CITY – Papalakasin pa ng Police Regional Office 10 ang kanilang walang tigil na paghahabol laban sa mga personalidad na sa nasa malakihang pagpupuslit ng illegal na droga mula sa ibang mga rehiyon na pilit ipinasok sa Northern Mindanao partikular sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Ito ay matapos nasa higit P60 milyon na halaga ng suspected shabu ang nakompiska ng magkaibang units ng pulisya sa limang probinsya na sakop ng rehiyon simula Enero 2021 hanggang sa kasalukuyang buwan nitong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PRO-10 spokesperson Lt Col Michelle Olaivar na ito ang tagubilin o kautusan ng kanilang kasakuluyang regional director na si Brig.Gen Rolando Anduyan habang nasilyhuhan na ang lima sa anim na entrance areas na pagdadaan ng ilegal na droga mula sa ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Olaivar na matapos ikinasa ng regional headquarters ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ay nasa 1,848 na suspected drug personalities na ang arestado ang nakasuhan sa magkaibang korte ng rehiyon.
Dagdag ng opisyal na mismo lamang sa buwan ng Setyembre ay nakompiska ng kanilang tropa ang higit P4 milyon na halaga ng suspected shabu.
Magugunitang nakatuon ang pansin ng PRO -10 sa mga suspected drug personality na nagmula sa probinsya ng Lanao del Sur na umano’y kadalasan na pinanggagalingan ng bulto na suplay ng shabu na ipinapasok partikular sa Cagayan de Oro City nagsilbing regional capital ng Northern Mindanao.