CAGAYAN DE ORO CITY – Kinompirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na na-download na nito ang PHP73.2 bilyon sa iba’t ibang mga local government unit para sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno sa gitna ng patuloy na enhanced community quarantine.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Undersecretary Luz Ilagan na kanila nang naipamamahagi sa 1,358 ka local government units ang nasabing pondo sa buong bansa.
Aniya, 90 porsyento na nilang naipamigay ang tulong-pinansyal na ipinapangako ni Pres Rodrigo Duterte sa 18 million ka target beneficiaries sa nasabing programa sa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.
Inamin din nito na may ginagawa silang re-evaluation sa iilang mga beneficiaris dahil sa natanggap nilang mga reklamo.
May mga nakatanggap naman ng ayuda ang kusang nagbabalik ng pera matapos hindi sila naging kwalipikado sa nasabing ayuda.
Kung maalala, naglaan ng higit sa P200 bilyon ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ayuda sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng krisis dulot ng COVID-19.
Ang bawat pamilyang mapapasama sa mabibigyan ng tulong ay makatatanggap ng ayuda na naglalaro sa P5,000 hanggang P8,000. Nakabatay sa minimum wage ang ayudang ipamamahagi ng pamahalaan.