CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring ni Senador Manny Pacquiao na isang ‘destiny’ kung mahalal ang isang kandidato bilang susunod na pangulo ng bansang Pilipinas.

Senator Manny Pacquiao along with City Mayor Oscar Moreno (right) and City Vice Mayor Rainer Joaquin ‘Kikang’ Uy (lef) at Brgy Tablon visit. Photos from Ms Isabelle Czarina ‘Aicy’ Soriano.

Ito ang tila may dala na kahulugan na kasagutan ng fighting senator nang mapisil ng local media kung ano ang susunod na political plan nito lalo pa’t patapos na ang kanyang termino bilang mambabatas sa bansa taong 2022.

Kinunan kasi ng reaksyon ang eight world division champion ng boksing na si Pacman kung ano ang masasabi nito na nasa pang-apat siya na sa kandidato na lumalabas ng isang political survey na mas pinili ng taong-bayan mahalal kung tatakbo bilang pangulo at gagawin ang eleksyon sa araw na ito.

Inihayag ni Pacquiao na sobrang mapagkunwari naman umano niya kung tatanggihan ang pagkakataon na aakyat para sa mataas na posisyon alinsunod sa kagustuhan ng mga tao.

Subalit kanyang nilinaw na tanging ang Maykapal lamang umano ang mayroong buong alam kung anuman ang magiging kapalaran ng mga ka-kandidato para sa mga mataas na katungkulan sa darating na halalan ng bansa.

Si Senador Manny Pacquiao

Si Pacquiao na kasalukuyang presidente ng administration PDP-Laban party ay malapit at malakas na supporter sa mga programa at palisya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon namang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na pinapalutang na tatakbo rin sa darating na presidential elections sa susunod na taon.