(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Kawalan ng komunikasyon upang ma-kontrol sana ang pagbaba ng Israeli Elbit made Hermes 900 ‘unmanned aerial vehicle’ mula sa 10,000 ft above sea level na lipad sa himpapawid ang dahilan nang pagbasak nito sa bisinidad ng Baungon,Bukidnon.
Ito ang pagpapaliwanag ni Philippine Air Force spokesperson Col Menard Mariano kung bakit biglang bumagsak ang UAV na nagsagawa ng functional check flight sa control area ng Tactical Operations Group (TOG-10) na nakabase sa dating domestic airport ng Barangay Lumbia,Cagayan de Oro City noong Sabado ng umaga.
Sinabi ni Mariano na bagamat walang naiulat na mga taong nasaktan nang bumagsak ang UAV subalit agad sini-secure ang crash site ng mga tauhan ng 1st Special Forces Batallion ng 403rd IB,Philippine Army upang ma-preserba ang anumang ebedensiya na makikita sa lugar.
Magugunitang nasa 5,000 ft na umano ang UAV nang mawalan ng communication lines ang mula sa control location ng PAF dahilan sa aksidente.
Na-acquire ng PAF ang UAV simula taong 2019 na ginamit para sa hard-to-reach areas,rescue operations at pagtumbok sa lokasyon ng mga rebeldeng grupo na kalaban ng gobyerno.
Hinihintay na rin ang pagdating ng technical men ng kompanyang Elbit upang magsagawa ng imbestigasyon sa bumagsak nila na Philippine acquired UAV.