Nais ni Dr. Lani Palmones ng Professional Regulatory Board of Criminology na mabago sa hinaharap ang requirement ng pagpapagupit ng buhok sa mga babaeng police trainee.
Ayon sa opisyal, nakapaloob sa kasalukuyang training procedure ng Philippine National Police ang sobrang paggupit ng buhok.
Ngunit nilinaw ni Palmones na hindi ito nakatutulong at walang sapat na dahilan upang gawing mukhang lalaki ang isang babae para lamang patunayan ang kakayahan sa training.
Dagdag ng opisyal, umaasa ang board na magpatupad ng mas makatao at mas angkop na polisiya ang mga public safety agencies para sa kababaihan.











