Muling nanawagan ang sektor ng transportasyon sa kapunungan na amiyendahan na ang kontrobersyal na Oil Deregulation Law upang mabigyan ng karapatan ang gobyerno sa pagkontrol sa presyo ng petrolyo.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas-baba ng presyo ng langis sa merkado kung saan lumalabas na palaging dehado at nagdurusa ang mga drayber at konsyumer sa kawalan ng katiyakan sa presyuhan.

Ipinarating ni UNIDA President Joel Gabatan na sa kasalukuyang batas, walang magawa ang pamunuan at ang tinatawag na Big Three o mga malalaking kompanya ng langis lamang ang nagdidikta sa laki ng rollback at price hike.

Kaya naman iginiit ni Gabatan na kinakailangang mabawi ng gobyerno ang regulasyon sa petrolyo upang maprotektahan ang publiko at hindi lamang ang negosyo ng mga malalaking kompanya ng langis.