Binatikos ng Ekonomista at Dating Vice Governor ng Misamis Oriental na si Joey Pelaez ang pamahalaan dahil sa patuloy na pag-asa ng bansa sa pag-aangkat ng mga batayang pagkain at produkto mula sa labas ng bansa.
Ipinahayag ng eksperto na nananatiling mahina at walang malaking pag-unlad ang export industry sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya tulad ng Vietnam.
Dagdag pa ng opisyal, ang kawalan ng pondo at malinaw na suporta sa lokal na agrikultura ang naglalagay sa bansa sa peligro na humarap sa gutom sa oras na magkaroon ng krisis sa pagkain sa mundo.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa pagpapalakas ng food security upang hindi umasa ang mga Pilipino sa suplay mula sa ibang bansa.











