Inilarawan ni Special Assistant to the Governor Celso Abucejo na impractical at aksaya sa panahon ang paggawa pa ng corrective measures para sa 2026 budget ng lalawigan.
Batay sa pahayag ng opisyal, wala pang nasisimulang harmonization process sa pagitan ng executive at legislative branch upang itama ang mga nakitang pagkakamali ng Sangguniang Panlalawigan.
Pinabulaanan din nito na magbabago pa ang daloy ng pondo dahil tatlong buwan na lamang ang natitira sa huling quarter upang gamitin ang re-enacted budget.
Dahil sa naturang sitwasyon, magpapatuloy ang kapitolyo sa paggamit ng kasalukuyang pondo upang matiyak na hindi maantala ang suweldo ng mga doktor, nars, at mga batayang serbisyo para sa mamamayan.











