CAGAYAN DE ORO CITY- Isusulong ni Senate Blue Ribbbon Committee chairman Senator Richard Gordon ang pag-digitalize ng jail records sa buong bansa.
Ito ay upang mabawasan kung hindi naman tuluyang mapigilan ang mali-mali na pagpapalabas ng convicted criminals katulad sa nangyari sa New Bilibid Prison (NBP).
Ginawa ni Gordon ang pahayag alinsunod ng kanilang ginawa na imbestigasyon sa naabuso na pagpapatupad ng Good Conduct and Time Allowance (GTCA) law na nagresulta pagkasibak ni Bureau of Corrections (BuCor)chief Nicanor Faeldon kagabi.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Gordon na nais itong maging centralize at computerize na ang buong jail records para hindi na magkamali ang computation ng mga taon na dapat papalayain ang mga bilanggo.
Dagdag ng senador na kaya nadisgrasya si Faeldon ay hindi nito ginawa ang kanyang trabaho habang ipinagkatiwala sa kanya ni President Rodrigo Duterte ang BuCor.