Binatikos ng legal counsel ng DDS Sara All Confederation na si Atty. Raymond Batu ang pagmamadali ng prosecution panel na i-drop ang tatlong artikulo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Nilinaw ng abogado na ginawa ito ng prosekusyon upang samantalahin ang kanilang bilang ng mga senador na makababoto sa kasalukuyan.
Nagbabala rin ang opisyal na pinagkaitan ng naturang paraan ang panig ng depensa na makapagpakita ng kanilang mga ebidensya at sagot sa mga akusasyon.
Dahil dito, ipinahayag ng abogado na kinakailangan sanang magpalabas ng opisyal na desisyon ang Impeachment Court na ipinaiwaksi o dismissed ang mga naturang artikulo dahil sa kawalan ng malinaw na ebidensya.










