Iginiit ng dating Vice Governor at MASADA National Convenor for Education na si Joey Pelaez na hindi patas ang biglaang pag-drop ng prosecution panel sa tatlong artikulo ng impeachment.

Nilinaw ng opisyal na ginamit lamang ng Kongreso ang mga ahensya tulad ng NBI at COA laban kay Vice President Sara Duterte sa mga nakaraang buwan.

Samantala, nagbabala ang lider na malaking kawalan ito dahil hindi na makapagtatanggol at makapagpatawag ng testigo ang Bise Presidente.

Dahil sa naturang hakbang, ipinahayag ng ekonomista ang kanyang kadismaya at tinawag na isang malaking kabobohan ang desisyon ng prosekusyon.