CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ng maybahay na si Earl Shane Padilla Paalam na si 2020 Olympian boxing silver medalist Carlo Paalam na huwag magpabaya sa sarili at mananatiling pokus sa kondisyon ng katawan habang sumabak sa natitirang mga laban sa 32nd South East Asian (SEA) Games sa Cambodia.

Ito ang naging reaksyon ng maybahay ni Carlo kaugnay sa matagumpay nito na quarter final fight laban sa Malaysian boxer na si Daelloniel McDelon Bong kahapon ng hapon.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo news team,inihayag nito na kailangang hindi lalayo si Carlo sa Panginoon dahil sa tanging ito ang may alam sa lahat ng mga mangyayari sa mga plano at kagustuhan niya bilang isang boksidor.

Magugunitang nagbigay ng 30-27 score points ang tatlong boxing judges pabor kay Carlo laban sa Malaysian opponent nito.

Samantala,banggit naman ng kanyang coach na si Elmer Pamisa na sa ipinakita na performance ni Carlo,hindi malayo na makakuha muli ito ng medalyang ginto katulad sa ginawa niya noong 2019 SEA Games na ginanap sa Pilipinas.

Una nga rito, bago umaabot sa quarter finals si Paalam ay tinalo muna nito via unanimous decision si Cambodian boxer Sao Rangsey.