Nagbalik sa Korte Suprema ang legal na usapin sa voting threshold ng Senate Impeachment Court matapos idulog nina Senator Bong Go at Senator Robin Padilla ang pormal na petisyon.

Ibinunyag ng legal analyst na si Atty. Pat Trimor na walang karapatan ang Impeachment Court na nag-iisang magbago sa alituntunin ng “two-thirds vote of all members” na nakasaad sa Saligang Batas.

Ipinaliwanag ng abogado na ang anumang pagbabago sa probisyon ng Konstitusyon ay kinakailangang dumaan sa pormal na amiyenda at boto ng buong mamamayan.

Dahil dito, ipinahayag ng abogado na malinaw na labag sa batas ang isinagawa ng mayorya na pagbabago sa patakaran.