Ipinanawagan ni Former DepEd Director at dating Vice Governor Joey Pelaez ang seryosong pagrerepaso sa mga discipline policy at ang pagbabalik ng disciplinary authority ng mga guro kaugnay ng tumataas na kaso ng karahasan sa loob ng mga kampus sa bansa.
Ipinahayag ng dating opisyal na palalo na at wala nang takot sa mga guro ang mga estudyante ngayon dahil sa kawalan na ng kapangyarihan ng paaralan na sawayin ang kabataan. Subalit, itinuro ni Pelaez na malaki ang epekto ng mga violent content sa internet at impluwensya mula
sa mga kanluraning bansa na nagdadala ng gulo sa mga kabataan.
Kaya naman, iginiit ng opisyal na mas mabuting kopyahin ang mga kalapit na bansa sa Asya tulad ng Singapore sa pagpapatupad ng epektibong disiplina sa mga estudyante.











