Nagbabala si dating Department of National Defense Secretary Norberto Gonzales na posibleng magbalik ang kaguluhan sa BARMM kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang plano sa pamamahala sa rehiyon.

Nilinaw ng dating opisyal na nagmumula ang pangamba sa pananaw na walang malinaw na lugar ang MNLF sa kasalukuyang pamahalaan.

Dahil dito, isinugod ng dating kalihim na kinakailangang makipag-usap muli ang gobyerno upang magkasama ang MNLF at MILF sa pamamahala ng BARMM.

Dagdag ni Gonzales, kailangan ding bantayan ang kilos ng mga dayuhang bansa baka magpadala muli sila ng pondo sa mga bagong armadong grupo at rebeldeng faction sa rehiyon.